Tagalog *
* Users may need to install language specific fonts to view these pages
Tungkol sa Sensus ng 2010
Upang makakuha ng patas na kinatawang politikal at mga serbisyong kinakailangan ng mga komunidad para sa isang matatag na kinabukasan, kailangan muna nating maintindihan kung sino tayo bilang isang bansa. Kaya't may sensus.
Binibilang ng Sensus ng Estados Unidos ang bawat residente sa Estados Unidos. Ito ay ipinag-uutos ng Artikulo I, Seksiyon 2 ng Saligang-batas, at isinasagawa tuwing 10 taon. Ang datos na nakokolekta ng sensus ay nagpapasiya ng bilang ng mga uupo sa bawat estado sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos. Ginagamit din ng estado at lokal na mga pamahalaan ang sensus upang itakda ang mga hurisdiksiyong politikal - kabilang ang mga distritong pang-Kongreso, mga lehislaturang pang-estado, mga konseho ng lungsod o probinsiya, at mga distrito ng lupon ng paaralan - upang matiyak ang patas na representasyon sa bawat antas ng pamahalaan.
Nguni't hindi ito nagtatapos dito. Ang datos ng sensus ay ginagamit sa pamamahagi ng bilyun-bilyong dolyares na pondong pederal sa mga lokal na komunidad para sa mga serbisyo taun-taon, kabilang ang:
- Mga serbisyong pang-emerhensiya
- Mga serbisyong pangkalusugan
- Mga paaralan
- Mga kalsada
- Mga sentro ng nakakatanda at marami pang iba
Ang Sensus ng 2010 ay ang pinakamalaking kilusan na nilahukan ng lipunan na nasaksihan kailanman sa ating bansa. Noong Marso 2010, isang maikling 10-tanong na pormularyo ang pinadala sa lahat sambahayan ng Estados Unidos at Puerto Rico. Kulang-kulang 74 porsiyento ng mga sambahayan ang nagbalik ng pormularyo sa pamamagitan ng koreo; ang natitirang sambahayan ay binilang ng mga manggagawa ng sensus na naglakad sa mga magkakalapit-bahay sa buong Estados Unidos.


